^

PSN Palaro

Good-luck bring home the gold!

-
Good luck!

Ito ang pabaon ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa 218 atletang Pinoy na lilipad sa susunod na linggo patungong Busan, South Korea para sumabak sa Asian Games upang katawanin ang Philippines sa biennial international sports competitions sa isang simpleng send-off rites na idinaos sa Malacañang kahapon.

"Bring home the gold!" Ito ang tagubilin ng Pangulong Arroyo sa bawat atleta ha-bang nakikipagkamay at isa-isang ipinakikilala ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Eric Buhain.

Ipinabatid din ng Pangulo sa Philippines sports delegation sa Busan na ninombrahan niya ang kanyang asawang si First Gentleman Jose Miguel Arroyo na personal na kumatawan upang magbigay ng morale boost sa kanila sa Asiad Games, habang sa kanyang pana-natili sa bansa, siya ay magdarasal para sa ikatatagumpay ng koponan.

Nauna rito, nagpalabas ang Pangulong Arroyo ng P50M sa PSC para bayaran ang mga gastos kaugnay ng paglahok ng Philippines sa Busan Asiad Games.

Bilang karagdagan sa nasabing halaga, sinabi rin ni Buhain na tumanggap rin ang PSC ng P20M mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp., para sa Asiad.

Sinabi pa ni Buhain sa Pangulong Arroyo na siya ay optimistiko na ang Philippine contingent ay makakapag-uwi ng hindi bababa sa apat hanggang pitong gintong medalya mula sa sports event na lalahukan ng mga mahuhusay na atleta na lalaro sa billiards, bowling at boxing.

Mahigpit na tinukoy ni Buhain ang Philippine bowling team leader na si Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno na nakalagay sa Guinness Book of world record bilang may hawak ng maraming bilang ng world bowling championships at ang tambalan ng world-class Filipino billiard champions na sina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante.

Bago ang nasabing presidential send-off, sinabi pa ni Buhain na benindisyunan din ang Philippine team ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Samantala, nakata-dang tanggapin ngayon ni Manila Mayor Lito Atienza ang tatlong torches na dumaan sa Luzon, Visayas at Mindanao sa nakalipas na dalawang linggo sa unang seremonya na magsisimula sa ala-1:30 ng hapon sa Rajah Sullaiman Park sa harapan ng Malate Church. (Ulat ni Marichu Villanueva)

ASIAD GAMES

ASIAN GAMES

BUHAIN

BUSAN

BUSAN ASIAD GAMES

ERIC BUHAIN

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL ARROYO

GUINNESS BOOK

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with