^

PSN Palaro

P30-M FedEx Tour tuloy na

-
Ibinunyag kahapon ng mga opisyal ng FedEx ang kanilang plano para sa pagdaraos ng Express Tour sa taong ito sa PSA Forum na lingguhang ginaganap sa Holiday Inn sa U.N. Avenue.

Inihayag ni Mar Mendoza, ang project director ng karera na buhat sa naunang apat na araw na karera, 14-araw ang nasa kanilang kalendaryo ngayon na magsisimula sa Abril 27 hanggang Mayo 11.

Sinabi naman ni Lito Alvarez, ang tour organizer, kanilang dinagdagan ang mga premyo para sa karera na magsisimula sa Legaspi City at magtatapos naman sa Quirino Grandstand dito sa Manila.

Kasamang dumalo nina Alvarez at Mendoza sa Forum sina Paquita Rivas, presidente ng Professional Cycling Association at Atty. Cornelio Padilla, ang consultant para sa karera.

Bagamat kasalukuyang may isyu sa pagitan ng Amateur Cycling Association of the Philippines (ACAP) at PCAP na parehong di kinikilala ng Union Cycliste International (UCI), sinabi ni Mendoza na hindi sila apektado rito at ang kanilang tanging konsentrasyon ay ang paghahanda para sa karera.

"We’re keeping away from the controversy. Anyway, we have the support of the Philippine Sports Commission (PSC), we have the sanction of the Games and Amusement Board (GAB) and the PCAP.

Tinatayang aabot naman sa P30 milyon ang magagastos ng FedEx sa pagdaraos ng full tour ayon kay Alvarez na naghayag din ng pagbibigay ng P1 milyon para sa team champion mula sa dating premyong P500,000.

Ipinaliwanag naman ni Rivas na bagamat magsisimula ang karera sa Abril 27 sa Legaspi City, tutulak na ang buong entourage sa Abril 25 para sa briefing sa susunod na araw bago magsimula ang karera.

Sinabi naman ni Padilla na bagamat limitado lamang ang kanyang partisipasyon sa karera, ay magbibigay naman ito ng input base sa kanilang pamamalakad sa nabuwag na Marlboro Tour.

Bukod sa team prizes na P1M para sa 1st prize, P.5M at P.2M sa 2nd at 3rd prize at P200,000, P100,000 para sa top three individual top finishers, mayroon ding labanan sa special categories.

Ang special categories na tatawaging Express Challenge ay King of the Mountain at Sprint King.

Magkakaroon ng pre-qualifying sa buwan ng Nobyermbre o Disyembre.(Ulat ni CVOchoa)

ABRIL

ALVAREZ

AMATEUR CYCLING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CORNELIO PADILLA

EXPRESS CHALLENGE

EXPRESS TOUR

GAMES AND AMUSEMENT BOARD

KARERA

LEGASPI CITY

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with