^

PSN Palaro

Masaya si Pumaren kahit hindi sweep

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Hindi man nila nakuha ang sweep sa UAAP, masaya pa rin si coach Franz Pumaren dahil sila pa rin ang numero unong koponan sa liga.

"At least we tried. But our record will show na sa kabuuan ng eliminations, we’re still on top, and that’s still something big for all of us. I just hope na hanggang sa Final Four, hanggang sa finals hopefully, the boys will always give their best," sabi ni coach Franz.

Dalawa ang sinasabi nilang leading player ngayon ng La Salle. Sina Mike Cortez at Mark Cardona. Sila ang nangunguna sa labanan at sila pa rin ang pilit na binabantayan ng mga kalaban. Sabi nga nila, stop Cortez and Cardona and you stop La Salle.

"We’re aware of the pressure," sabi ni Mark Cardona. "But we’ll just give on giving out our best as a team. I guess that in the end, it’s still teamwork that would matter much for us."

Ateneo-La Salle pa rin kaya ang magiging ending ng UAAP? Malalaman natin...
* * *
Tanong ng isang masugid na basketball fan--sino po sa mga nagpa-draff sa PBA ngayong taon na ito ang may tsansa na maging rookie of the year?

Mahirap sagutin yan kasi wala sinuman sa mga rookies ngayon ang lumalabas na outstanding sa PBA.

Except for two of three rookies, halos lahat sila eh hindi ginagamit, at kung gamitin man eh wala rin. Halos puro nag-iinit ang puwet nila sa bangko at wala sinuman ang nagningning sa kani-kanilang career. Di rin magtatagal at ang mga yan eh mawawalan din ng kontrata dahil pakiramdam ng mga team owners, wala rin naman silang silbi sa team at sayang lang ang ibinabayad sa kanila.

May ilang mga dahilan kung bakit ganyan ang nangyari sa mga rookies sa PBA. Una, nawawalan sila ng puwesto dahil sa dami ng Fil-Ams at imports. Yung mga malalaki at sentro ang laro eh nasa bench na lang dahil mga imports ang naglalaro. Ikalawa, may mga rookies na sadyang hindi pa hinog at ewan kung bakit nag-decide na umakyat na sa PBA gayung mga bata pa naman sila at sana’y nagpahinog na muna sa PBL bago nagpa-draft. Ikatlo, at ito ang mas matinding dahilan para sa marami sa kanila, marami sa mga rookies ang nakalimot sa mga taong tumulong sa kanila nung nasa amateurs pa lang. Na nung bago sila magpa-draft eh kagagaling magsipag-text sa mga agents nila at humingi ng tulong para makarating sa PBA. At nung makatuntong na sa PBA eh hayun, ni ha, ni ho, parang bulang nangapagsiwalaan at ni hindi man lang nagpasalamat o ano sa mga taong kahit paano eh nakapagbigay sa kanila ng suporta o tulong.

At sino ang mga rookies na tinamaan sa ikatlong dahilan? Hay naku, huwag na, marami sila. Napakarami nila.
* * *
Personal: Happy birthday to Nida Oliveros ang executive secretary ng PBL at pati na rin sa beterano at sikat na photographer na si Tony Lu, at kay Nene Aguilar na dating taga Local Productions, at mula rin kay Tita Beth ng PBL ang panawagang ito--lahat ng graduates ng Tomas Earnshaw Elementary School ng Punta Sta. Ana, makipag-ugnayan lang kay Seny Apostol Estrebel (09192562291 o 5321339) at kay Betty Apostol Agustin (09177474855 o 5318285) para sa inyong forthcoming reunion.

ATENEO-LA SALLE

BETTY APOSTOL AGUSTIN

CORTEZ AND CARDONA

FINAL FOUR

LA SALLE

MARK CARDONA

RIN

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with