^

PSN Palaro

Casino taob sa Blu

-
Nagpakakatag sa huling dalawang minuto ng sagupaan ang Blu All-Purpose upang pabagsakin ang Casino Rubbing Alcohol, 77-74 kahapon sa pagsisimula ng kanilang kampanya para sa korona sa pagpapatuloy ng PBL-CBF Dual Meet sa Makati Coliseum.

Binanderahan nina Aries Dimaunahan at Arnold Calo ang kampanya ng Detergent Kings nang kumana ng tig-14 puntos, habang naging tulay naman ng kanilang panalo ang isinalpak na pitong puntos ni Lou Gatumbato mula sa kanyang tinapos na siyam na puntos sa final canto.

Taglay ng Detergent Kings ang 71-61 kalamangan, 7:34 ang nalalabi sa final canto nang magbanta ang Alcohol Masters sa pamamagitan ng 13-3 bomba sa pagtutu-ungan nina Ruel Buenaventura at James Relampagos upang makalapit sa 74-76, 1:36 ang nalalabi.

Ngunit, sa sumunod na play, nagtala ang Casino ng dalawang kama-lian na siyang naging sanhi ng kanilang pag-katalo.

Nauwi rin sa wala ang tsansa ng Alcohol Masters na maipuwersa ang overtime makaraan ang split shot ni Joselito Celiz sa huling 14.3 segundo ng labanan ng hindi mabitiwan ni Ronald Paraiso ang bola dahil sa matinding depensa nina Gatumbato at Tristan Codamon. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

ALCOHOL MASTERS

ARIES DIMAUNAHAN

ARNOLD CALO

BLU ALL-PURPOSE

CARMELA OCHOA

CASINO RUBBING ALCOHOL

DETERGENT KINGS

DUAL MEET

JAMES RELAMPAGOS

JOSELITO CELIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with