Nangailangan lamang ang Lady Tamaraws ng 42 minutos upang iposte ang malinis na 13 panalo kung saan ang tanging magiging hadlang na lamang nila sa kanilang landas ay ang Adamson University na kanilang makakalaban sa pagtiklop ng eliminations sa Linggo para tuluyan ng masungkit ang korona.
Ang koponan na nagtala ng sweeps sa 14-game double-round eliminations ang awtomatikong idedeklarang champion sa UAAP volleyball. Ang isang kabiguan ay magreresulta ng crossover semifinals at race-to-two finals.