'Matira Matibay II' tuloy na
September 17, 2002 | 12:00am
Wala ng atrasan.
Tuloy na tuloy na bukas ang nakatakdang paghaharap nina Ernesto Rubillar at Phalangchai Sor Vorapin ng Thailand sa alas-6 ng gabi para sa World Boxing Council (WBC) International minimumweight championship bout sa Theater ng Casino Filipino-Parañaque.
Tinaguriang Matira Matibay II ang nasabing laban ay unang itinakda noong nakaraang Agosto 30, ngunit sa kasamaang palad, ilang araw bago ang takdang araw, nagtamo ng injury si Rubillar sa kanang paa dahilan upang iurong ito.
Dahil sa natamong injury ni Rubillar, kumpiyansa ang kampo ni Vorapin na kanilang matatalo ang Pinoy kung saan hindi papayag ang Thai boxer na umuwi sa kanilang bansa ng hindi dala ang korona.
Sa labanang ito, hindi lang ang kasalukuyang korona ni Rubillar ang nakataya kungdi ang kanyang pagiging kasalukuyang WBC No. 2 sa world rating at kung mabibigo siya sa korona, tiyak na lalayo at lalabo ang kanyang posibilidad na mapalaban sa world title fight sa lalong madaling panahon.
Tampok din sa nasabing slugfest ang isa pang international title fight kung saan tampok sina WBO No. 16 lightfly-weight contender Roy Doliguez at dating Philippine champion Jovan Presbitero para sa bakanteng WBO AsPac lightflyweight championship.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended