^

PSN Palaro

Okay Lang Na Nasibak

FREE THROWS - AC Zaldivar -
AYAW na ni coach Joseller "Yeng" Guiao na pahabain pa ang issue tungkol kay Tony Lang na pinalitan ni Sean Lampley bilang import ng Batang Red Bull bago ang Game- Four ng kasalukuyang best-of-seven Finals ng Samsung-PBA Commissioner’s Cup.

Marami pa rin kasing lumalabas na usap-usapan hinggil kay Lang. Kesyo hindi naman daw tutoong injured ito at umaarte lang daw sa Game-Three kung saan natalo ang Thunder sa Phone Pals, 80-71. Hindi niya natapos ang larong iyon at pinalitan siya ni Nelson Asaytono mahigit pang dalawang minuto ang nalalabi.

Matapos ang pagkatalong iyon ay inabot ng madaling araw ang coaching staff at management ng Red Bull sa deliberations na ginanap sa Cafe Provencal sa Megamall. At doon nga ay napagdesisyunan nila na palitan si Lang.

Siyempre, hindi naman nakakagulat na palitan si Lang kung injured siya. Pero hindi inilagay ng Red Bull sa injured list si Lang, eh. Puwede sanang gawin nila ito habang naglalaro ang kapalit niya para kung sakaling magaling na siya ay makabalik pa sa line-up.

Kumbaga’y tinanggal lang talaga si Lang injured man siya o hindi!

Katunayan, nang malaman ni Lang na papalitan na siya ay nakiusap siya’t nangako na lalaro nang matindi kahit na may kapansanan. Pero buo na ang desisyon ng pamunuan at coaching staff ng Red Bull.

Ewan ko ba.

Naalala ko, noong isang taon ay muntik na ring masibak si Lang matapos na magtala ito ng isang puntos sa isang laro sa Finals ng Commissioner’ s Cup kontra sa San Miguel Beer. Nakakaduda talaga na ang isang import ay malimita nang ganito. Kahit paano, kung hindi pumapasok ang outside shot ng isang import ay sasalaksak na lang ito upang makakuha ng fouls at makakuha ng puntos sa free throw line. Pero hindi nga iyon ang nangyari.

Hindi natin sinasabing may kaaliwaswasang ginagawa si Lang. Ang balita natin ay ganoon talaga ang ugali ni Lang. Mayroon siyang reputasyon na kapag ginusto niyang maglaro ay kakayod siya nang husto. Pero kapag tinamad siya, wala nang magagawa ang kanyang coach para ma-motivate siya.

Heto pa ang narinig natin noong isang linggo. Matapos na masibak si Lang ay kinausap niya ang isang broadcaster at sinabing kaya natatalo ang kanyang koponan ay dahil sa may mga sugarol sa kanyang team.

Aba! May gana pa siyang siraan ang kanyang koponan?

At nang tanungin siya ng isang opisyales ng koponan kung tutoong sinabi niya ito sa isang broadcaster ay deny to death siya.

Mabuti na nga na nasibak si Lang.

Problema pala siya at hindi isang asset.

BATANG RED BULL

CAFE PROVENCAL

ISANG

LANG

MATAPOS

NELSON ASAYTONO

PERO

RED BULL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with