Ang panalo ng Red Warriors ang tumapos sa kanilang apat na taong pagtatangka matapos na itala ang 10 panalo matapos ang 4 na kabiguan, habang nalasap naman ng Tigers ang kanilang 6-talo sa 14 pakikipaglaban.
Humatak rin si Yap ng anim na rebounds at apat na assists na nakakuha ng malaking suporta mula kina Paul Artadi at Hubalde na kapwa tumapos ng tig-10 puntos.
Kumawala ang Recto-based dribblers matapos ang 36-31 pagkakalapit ng iskor sa kalagitnaan ng ikalawang yugto nang pangunahan ni Yap ang 11-2 salvo na tinampukan ng triples upang itarak ang 47-33, 2:20 na lamang ang nalalabi bago mag-halftime mark.
Mula dito, hindi na binitiwan pa ng Red Warriors ang trangko hang-gang sa 69-56, nagpilit ang Tigers na makawala nang magbaba sila ng 10-2 atake na pinasimulan ni Danny Pribhdas upang ibaba ang kalamangan ng Warriors sa 66-71, 3:06 ang nasa tikada.
Makakaharap ng Red Warriors ang Ateneo De Manila University sa alas-4 ng hapon, habang mag-titipan naman ang defending champion De La Salle at ang UST sa alas-2 sa pagsisimula ng kanilang crossover semifinal round sa Huwebes sa Araneta Coliseum. (Ulat ni Maribeth Repizo)