^

PSN Palaro

'Revenge of the Masters' sa Subic Bay

-
Muli na namang mabibigyan ng pagkakataon ang mga panatiko ng billiards na masaksihan ang apat na greatest player sa daigdig sa apat na araw na tunggalian na tinaguriang ‘Revenge of the Masters’ ang tournament na idaraos ng Viva Vintage Sports at Puyat Sports kung saan ang Subic Bay Metropolitan Authority sa ilalim ni Chairman Felicito C. Payumo ang siyang magiging host.

Ang nasabing tournament ay gaganapin sa Set-yembre 17-20 sa lobby ng Yacht Club sa Subic.

Sasabak si 2001 World Pool Champion Mika Immonen upang ipaghiganti ang kanyang sudden-death, one rack playoff na kabiguan kontra Efren ‘Bata’ Reyes sa finals ng winner-take-all $50,000 ‘Challenge of Champions’ sa Connecticut kamakailan, habang tangka rin ni US Open Champion Corey Deuel na maipag-higanti ang kanyang pagkatalo sa mga kamay ni Francisco Bustamante sa Manila World 9-Ball Challenge noong nakaraang Mayo.

Kilala si Reyes sa buong mundo bilang ‘The Magician’ sa dahilang ang kanyang mga kagila-gilalas na shot at si Django sa kanyang mahusay na break ang magdedetermina sa dalawa bilang all-time greats at walang balak ang dalawa na matalo sa harapan ng mga hometown fans.

Sa ilalim ng format ang apat na ‘masters’ ay lalaro ng single round robin na ang bawat match sa best-of-three sets affair ay isang race-to-five racks. Sa pagtatapos ng round robin ang No. 1 player sa standings ang siyang sasagupa sa No. 3 at ang No. 2 ang haharap naman sa No. 4 sa semifinals.

BALL CHALLENGE

CHAIRMAN FELICITO C

CHALLENGE OF CHAMPIONS

FRANCISCO BUSTAMANTE

MANILA WORLD

OPEN CHAMPION COREY DEUEL

PUYAT SPORTS

REVENGE OF THE MASTERS

REYES

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with