Masaya sina Yeng Guiao at George Chua
September 11, 2002 | 12:00am
Ano ba yan, puro mga Fil-Ams natin dito sa PBA, laging nasasangkot sa mga bugbugan. At sino ang mga nauumbag?
Mga Pilipino!
Sabi nga nila, only in the Philippines!
Masayang-masaya naman si Yeng Guiao na nasa finals na naman ang Red Bull.
Nakasanayan na yata nila na kapag ganitong conference eh sila ang dapat na nasa finals.
"I just told the boys to enjoy every game of the finals and if everything goes as we planned, malamang na makuha na namin ang kampeonato," sambit ni coach Yeng.
Natutuwa rin ang may-ari na si George Chua at kahit paano, malapit na nilang makamit ang lagi nilang pinakamimithi.
Natatandaan pa namin yung mga araw na ang Red Bull eh nasa PBL pa.
Nangarap si George na balang araw eh mararating din niya ang PBA.
At nung makarating nga sila, pinangarap naman niyang makasungkit ng isang PBA title. Nagawa na nila yan last year at ngayong taon na ito, mukha namang uulit sila.
At dahil siya ang may-ari ng franchise, siya ang pinakamaligaya sa lahat.
"I just hope we win the title again," sabi ni George. "Basta ang mga players namin naglaro ng maayos, we will make it."
Sa September 16 na ang pa-tryout ng Welcoat Paints para sa kanilang PBL team.
Excited na si coach Leo Austria na makita ang mga players na nag-aasam maging bahagi ng bagong Welcoat team.
Balita namin, halos walang players na makukuha mula sa orginal team na ginawa noon ni coach Junel Baculi.
Diskarte ito ni Leo kaya yung mga gusto nilang players ang makakapasok sa team.
Iisa pa lang ang napapirma nila--si Ariel Capus na dating naglaro sa JRU at Ana Freezers. Hindi kami sigurado kung napapirma na rin nila ang youthful player na si Mark Pingres na naglaro naman noon sa Chowking PYBL team, sa PSBA at sa National youth team.
Sobrang suporta ang ibinibigay ng isang bading sa kanyang iniisponsoran na young college player. Masyado niya yata itong mahal na mahal kaya naman lahat ng luho eh ibinibigay niya. Tanggap naman ng tanggap si player.
Bagong sapatos. Mga jogging pants. Mga bagong damit, alahas at allowance.
Natatandaan namin ang isa pang college player na noong active pa siyang naglalaro eh ganyan din ang natatanggap na luho mula sa kanyang sponsor na bading.
Pero nung matapos na siyang maglaro at nag-quit na siya sa pag-aaral, naglaho ang bading.
In short, ginawa lang siyang pang-display ni bading.
Ganyan din kaya ang mangyari kay college player?
SSC, PCU, JRU, CSB. Yan na ang Final Four para sa NCAA.
La Salle, UE, Ateneo, UST. Yan naman ang sa tingin namin eh pasok sa Final Four ng UAAP.
Gandang kumbinasyon niyan para sa Final Four. Tiyak na matinding bakbakan yan sa bawat laro ng Final Four. Laging puno na naman ang mga coliseum.
Mga Pilipino!
Sabi nga nila, only in the Philippines!
Nakasanayan na yata nila na kapag ganitong conference eh sila ang dapat na nasa finals.
"I just told the boys to enjoy every game of the finals and if everything goes as we planned, malamang na makuha na namin ang kampeonato," sambit ni coach Yeng.
Natutuwa rin ang may-ari na si George Chua at kahit paano, malapit na nilang makamit ang lagi nilang pinakamimithi.
Natatandaan pa namin yung mga araw na ang Red Bull eh nasa PBL pa.
Nangarap si George na balang araw eh mararating din niya ang PBA.
At nung makarating nga sila, pinangarap naman niyang makasungkit ng isang PBA title. Nagawa na nila yan last year at ngayong taon na ito, mukha namang uulit sila.
At dahil siya ang may-ari ng franchise, siya ang pinakamaligaya sa lahat.
"I just hope we win the title again," sabi ni George. "Basta ang mga players namin naglaro ng maayos, we will make it."
Excited na si coach Leo Austria na makita ang mga players na nag-aasam maging bahagi ng bagong Welcoat team.
Balita namin, halos walang players na makukuha mula sa orginal team na ginawa noon ni coach Junel Baculi.
Diskarte ito ni Leo kaya yung mga gusto nilang players ang makakapasok sa team.
Iisa pa lang ang napapirma nila--si Ariel Capus na dating naglaro sa JRU at Ana Freezers. Hindi kami sigurado kung napapirma na rin nila ang youthful player na si Mark Pingres na naglaro naman noon sa Chowking PYBL team, sa PSBA at sa National youth team.
Bagong sapatos. Mga jogging pants. Mga bagong damit, alahas at allowance.
Natatandaan namin ang isa pang college player na noong active pa siyang naglalaro eh ganyan din ang natatanggap na luho mula sa kanyang sponsor na bading.
Pero nung matapos na siyang maglaro at nag-quit na siya sa pag-aaral, naglaho ang bading.
In short, ginawa lang siyang pang-display ni bading.
Ganyan din kaya ang mangyari kay college player?
La Salle, UE, Ateneo, UST. Yan naman ang sa tingin namin eh pasok sa Final Four ng UAAP.
Gandang kumbinasyon niyan para sa Final Four. Tiyak na matinding bakbakan yan sa bawat laro ng Final Four. Laging puno na naman ang mga coliseum.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended