Harp nambugbog ng gf at driver
September 11, 2002 | 12:00am
Sa ikalawang pagkakataon, muli na namang nasangkot sa kaguluhan ang Fil-Am player na si Davonn Maurice Harp na kasalukuyang kumakampanya sa Finals ng PBA Commissioners Cup ang kanyang koponang Red Bull Thunder.
Kasong serious physical injuries ang isinampa kahapon ng biktimang si Edna Custodio, 25-anyos at kasintahan ni Harp ng 8787 Aneja St., PRC Makati City sa Police Community Precinct 2 ng Pasig City Police.
"I am determined to file a case against him, he was drunk, he grabbed me on both hands, binitbit ako, sinuntok sa tiyan at isnalya ng ilang beses sa may hagdanan, pahayag ng biktima sa PSN.
Bukod sa biktimang si Custodio, bugbog sarado rin sa nasabing insidente ang driver ni Harp na si Cirilio Ablaza, 46-gulang, binata ng 29 Seattle St., Cubao Quezon City na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Rizal Medical Center sa Pasig City matapos na dumaing ng paninikip ng dibdib bunga ng grabeng bugbog na tinamo niya sa ibat ibang parte ng katawan.
Base sa salaysay ni Custodio, naganap umano ang insidente dakong alas-3:25 ng madaling araw sa loob mismo ng Belson Manor Town-house, Valle Verde 6, Ugong ng nasabing lungsod.
Ayon kay Custodio, kagagaling lamang umano nila sa party ng isa nilang kaibigan sa Victoria Court sa Pasig City nang maganap ang insidente kung saan nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Harp na lasing na lasing at ng driver nito na nauwi sa pambubugbog ng basketbolista.
Nadamay si Custodio matapos na tangkaing niyang awatin ang kanyang boyfriend ng siya ang pagbuntu-nan ng galit ng huli na naging daan upang suntukin siya sa tiyan at isalya sa hagdanan.
Unang nasampahan ng kasong panggagahasa si Harp noong naka-raang taon ng isang radio reporter na nadismis naman.
Kamakailan, naging laman ng pahayagan ang isa ring Fil-Am cager na si Andy Seigle na naglalaro naman sa Purefoods TJ Hotdogs at ngayon ay isa sa miyembro ng Pambansang koponan na sasabak sa Busan Asian Games sa South, Korea ng pambubugbog sa isang bouncer ng club. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended