^

PSN Palaro

Ang Taong Kailangan Ngayon Ng PBA!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Matagal na siya sa PBA.

Nirerespeto siya sa daigdig ng basketball.

Oo nga’t mabait siya’t palangiti sa lahat ng tao pero hindi ibig sabihin niyan eh hindi niya kayang mag-disiplina ng tao.

Mula sa isang puwestong mababa sa kanyang kumpanya eh nakarating siya sa itaas sa paglipas ng maraming taon dahil na rin sa kanyang sipag, integridad at katalinuhan.

Walang bahid ang sinseridad ng kanyang serbisyo hindi lamang sa kanyang kumpanya kundi pati na rin sa kanyang basketball team.

Higit sa lahat, isang mabuting asawa at ama. Isang mabuting tao. Isang mabuting kaibigan sa lahat.

A God-fearing man.

Yan ang taong higit na kailangang-kailangan ngayon ng PBA.

Sa tinging namin, isang tulad niya ang dapat na sumunod bilang PBA commissioner.

Yan si Elmer Yanga.
* * *
Balitang PBL muna tayo.

Balik-PBL si Junel Baculi.

Siya na ngayon ang coach ng Kutitap team, ang koponang ginawa niyang champion several years ago.

Sa ngayon, binubuo pa lang ni Junel ang kanyang final line-up. Hindi pa siya makapagbawas ng players dahil majority eh may live contract pa. Kaya pagtitiisan pa niya ang line-up kahit hindi niya type ang ibang players. Pero napasama na sa team niya sina Eugene Tan at Peter Jun Simon na dating taga Davao Eagles. Sa ngayon, 17 pa raw ang may live contract sa Kutitap.

Sa September 16 pa ang pa-tryouts ng Welcoat ni coach Leo Austria. Sa ngayon, si Ariel Capus pa lang ang napapapirma nila.

Sigurado na raw ang La Salle pero ang Ateneo ay wala pang siguradong sponsor kung sakaling sasali sila. Kapag hindi nakapasok ang Ateneo as team sa PBL. Anim na Blue Eagles naman ang nasa line-up ng Kutitap, kasama diyan si Wesley Gonzales.

Araw-araw kung mag-practice ang John O team ni Sen. John Osmeña. Kahit matagal pa ang PBL, ang John O team lang yata ang masigasig na practice ng practice. Bongga daw ang team na ito dahil nasa isang condo sa Makati ang kanilang quarters at kapag nagpa-practice ang mga players eh naka-coaster pa. Sosi!

Kumpirmado na ang Regent Foods sa pagpasok nila sa PBL. Kasosyo na sila sa team ng Shark. Muntik nang ma-disband ang Shark team pero to the rescue in time ang Cheese Balls ni Ricky See.

Mabuti na lang at magaling ang convincing power ni Jesse Chua at napilit niya si Ricky na makisosyo.
* * *
Sa sobrang pagka-inlove ng isang sikat na aktres sa kanyang boyfriend na basketball player, natitiis na niya kahit na nalalaman niyang kinakaliwa siya ni player.

Marami na ang nagsasabi kay aktres na may iba-ibang dine-date si sikat na player.

Napapaiyak na lang siya madalas, sinasabi niya sa sarili niyang hihiwalayan na niya ito.

Pero tuwing makakasama niya si player, nawawala lahat ng pagkamuhi niya. Nawawala lahat ng sama ng loob niya.

Naubos na ang luha niya sa mga pagseselos niya kaya ngayon, okay na sa kanya kahit na malaman niyang may ibang babae ang boyfriend niya.
* * *
May nag-text sa programa nina Deo Macalma at Jenny Flower Simon sa DZRH. Tatlong beses na raw nilang nakita sina Kris Aquino at si Asi Taulava sa Rockwell Mall.

Naloka sina Lakay Deo at Jenny dahil di nila malaman kung tutuo yun o hindi.

A GOD

ARIEL CAPUS

ASI TAULAVA

ATENEO

JOHN O

KUTITAP

NIYA

SIYA

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with