^

PSN Palaro

May Olympic Plan ba?

GAME NA! - Bill Velasco -
Ang darating na Asian Games ang pinakamagandang sukatan ng ating kahandaan para sa susunod na Olympics sa Athens, Greece sa 2004. Subalit may plano na ba ang Pilipinas para sa labanang iyon?

Sa ibang bansa, apat na taon o mahigit pa ang kanilang paghahanda para sa bawat Olympiada. Simula sa pagpili ng atleta o talent identification, hanggang sa paglahok nito sa iba-ibang international competition, matatantsa na nila ang magiging tangkad, lakas at bilis ng kanilang mga manlalaro.

Sa unang taon ng pagsasanay, ang mga atleta ay binibigyan ng konting kumpetisyon lamang, dahil baka mabigla. Kung ipadala man sila sa ibang bansa, ito ay para lamang masanay sa pakikipaglaban sa ibayong dagat.

Sa pangalawa o pangatlong taon, sumasama na sila sa mga pambato. Sa susunod na dalawa pang taon, sinusukat kung kakayanin na nilang makipaglaban sa mga World Championships sa kanilang larangan.

Sa mga hindi papalarin, maaari silang maging suporta sa mga lead athletes, halimbawa sa mga sport tulad ng athletics at powerlifting. Puwestuhan para masigurado ang panalo sa ibang dibisyon, o kaya'y para dumami sa pangkalahatan ang kanilang dami ng medalya.

Sa bawat torneo, may review at analysis ng kanilang nagawa. Subalit, dito sa atin, tila wala. At madalas, ang pagpili ng atleta ay ginagawa sa maikling panahon bago maglabanan.

Marahil, kung pangmatagalan din ang ating mga opisyal, pangmatagalan din ang kanilang pag-iisip. Isang gintong medalya’y di basta-basta nakukuha sa ala tsamba.

ASIAN GAMES

ISANG

KANILANG

MARAHIL

OLYMPIADA

PARA

PILIPINAS

SUBALIT

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with