Rematch kay Peñalosa, ipinaliliban ni Tokuyama
September 5, 2002 | 12:00am
Dahil sa pagkaka-injury ng kaliwang kamay matapos ang magaang na seventh-round TKO na panalo kontra sa Mexican na si Erik Bam Bam Lopez noong nakaraang Agosto 26, ibig ni WBC super flyweight champion Masamori Tokuyama na iliban ang kanyang mandatory title rematch laban naman sa WBC International champion at No. 1 contender Gerry Peñalosa sa Nov. 8 hanggang Dec. 23 makaraang imungkahi nito ang buwan ng Enero sa susunod na taon.
Sinabihan ni Japanese boxing manager, matchmaker at journalist Joe Koizumi na siyang kumakatawan sa kampo ni Tokuyama ang manager ni Peñalosa na ang abogadong si Rudy Salud na nagtamo ang kampeon ng slight hairline crack sa kaliwang kamay at inabisuhan siya ng kanyang doktor na magbakasyon ng isang buwan o higit pa bago sumabak sa kanyang susunod na depensa kontra Peñalosa.
Ayon sa naunang report bago ang laban ni Tokuyama kontra Lopez, sinabi ni Koizumi na nasaktan ang kanang kamay ng boxer sa second round, pero ginamit niya ang kaliwang kamay upang saraduhan ang kanang kamay ng challenger na naging dahilan upang itigil ng referee na si Frank Cappuccino ang kanilang laban sa ikapitong round.
Sa kabilang dako, hindi naman payag si Salud na ipagpaliban ng matagal ang kanilang laban at nakahanda silang maghintay ng buwan ng Nobyembre na sapat na para mabigyan si Tokuyama ng sapat na oras upang maka-recover mula sa naiulat na injury na nangangailangan lamang ng maximum na tatlo hanggang apat na linggo para gumaling. Sinabi pa ni Koizumi na kakausapin niya si Salud sa Biyernes hinggil sa itinakdang laban sa buwan ng December 23 kung saan ipinagdiinan ni Salud na is not one month but one-and-a-half months mula sa orihinal na petsa sa Nobyembre 8, ay patunay lamang na hindi seryoso ng kampo ni Tokuyama ang babala ng WBC president na si Jose Sulaiman.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended