Binuksan ni Gatchalian ang kanyang kampanya sa 215 at tumapos ng 210, ngunit nakatulong ito sa kanya upang itala ang 32 pin na bentahe kontra sa hindi gaanong kilalang si Gene Tonolete na may 228 at 219 sa third at ninth games.
Limang iba pang miyembro ng Philippine team na tutungo ng Busan Asian Games--sina Chester King, Biboy Rivera, C.J. Suarez, Botchok Rey at R.J. Bautista ang umusad din sa second round na lalaruin ngayong ala-1 ng hapon sa SM Megamall.
Mayroon na lamang 28 lady aspirante ang nalalabi sa pangunguna ni Busan-bound Jojo Canare ang magpapakita ng aksiyon ngayong alas-9 ng umaga.
Sa mga national bowlers, ang natatanging nasibak ay ang four-time World Cup champion na si Paeng Nepomuceno na kasalukuyan pang nagpapagaling sa kanyang injury mula sa pulso kung saan umiskor lamang ito ng 1,962 upang tumapos ng ika-45th sa field na 77th.
Ang mens at womens champions ang siyang kakatawan sa bansa sa international finals na nakatakda sa Oct. 20-26 sa Toss Bowling Hall sa Riga, Latvia.