^

PSN Palaro

Twice to beat asam ng San Sebastian College

-
Nakatuon ang mga mata ng defending champion San Sebastian College sa outright twice-to-beat advantage sa kanilang pakikipag-harap ngayon sa Jose Rizal University sa 78th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Nakatakda ang sagupaang SSC Stags at JRU Heavy Bomber sa alas-4 ng hapon sa ikalawang seniors game na susundan ng engkuwentro ng kanilang juniors counterpart sa dakong alas-6 ng gabi.

Kumpleto na ang cast ng Final Four kung saan kasama ng Baste ang Philippine Christian University, College of Saint Benilde at Jose Rizal kaya’t ang twice-to-beat advantage na ipagkakaloob sa top-two teams na lamang ang pinaglalabanan.

Ang San Sebastian ang kasalukuyang nangunguna sa apat na kopo-nang nag-aagawan sa dalawang twice-to-beat tickets dahil sa kanilang taglay na 10-3 record habang ang PCU Dolphins, CSB Blazers at Heavy Bombers ay nag-iingat ng 9-4 record.

Sa unang seniors game, magkukrus naman ang landas ng Colegio de San Juan de Letran at Mapua Institute of Technology sa ganap na alas-2 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng kanilang junior counterparts na sisimulan sa ganap na alas-11:30 ng umaga.

Pagpapaganda na lamang ng record ang hangad ng Letran Knights at MIT Cardinals na may 7-6 panalo-talo at 6-7 win-loss record, ayon sa pagkakasunod matapos mapagsaraduhan ng pinto sa Final Four.

Hangad ng Stags na makabangon sa kanilang 75-83 pagkatalo kontra sa Dolphins na pumutol sa kanilang eight game winning streak at malaki ang tsansang magagawa nila ito dahil tinalo nila ang Jose Rizal sa kanilang first round meeting, 83-75. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ANG SAN SEBASTIAN

CARMELA V

COLLEGE OF SAINT BENILDE

FINAL FOUR

HEAVY BOMBER

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KANILANG

LETRAN KNIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with