^

PSN Palaro

Red Bull o Talk 'N Text

SPORTS LANG.... - Dina Marie Villena -
Inaasahang magiging mainit ang bakbakan ng Batang Red Bull at Talk ‘N Text sa kanilang best-of- seven titular showdown na magsisimula sa Biyernes.

Parehong mainit ang mga coach Yeng Guiao sa Red Bull at Bill Bayno sa Talk ‘N Text.

Kapwa prangkang magsalita at nagpapahayag ng kanilang tunay na saloobin lalo na kung ang pag-uusapan ay ang officiating.

Kaya naman tinitiyak na magbabaga ng husto ang bakbakan na ito ng dalawang koponan.

Bagamat sinasabing liyamado ang Red Bull sa labang ito, nasa kanila naman ang mas mabigat na pressure dahil nga sila ang defending champion.

Kung import ang pag-uusapan, base sa kanilang performance ay magkasukat lamang sina Julius Nwosu at Tony Lang sa tambalan nina Jerald Honeycutt at Pete Mickeal.

Ang problema lang, may tendency si Honeycutt na magyabang at magsuwapang.

Hindi tulad nina Nwosu at Lang na magandang ang teamwork.

Kung local players naman ang pag-uusapan halos pantay lamang sila bagamat malaking kawalan si Asi Taulava sa Phone Pals na ipinahiram sa National Team na sasabak sa Busan Asian Games.

Bagamat mayroon ding player ang Red Bull sa National squad sa katauhan ni Mick Pennisi, mas malaking kawalan sa Talk ‘N Text si Asi kaysa kay Pennisi dahil naroroon naman si Davonn Harp na sa aking personal na opinyon eh mas magaling kay Pennisi.

At kung coach ang pag-uusapan, siguro may katuwiran ang management ng Phone Pals na ipaglaban si Bill Bayno na naging kontrobersiyal dahil nga sa pagiging Amerikano nito.

Hanga ako sa kanya dahil bagamat inulan siya ng intriga, naipakita niyang karapat-dapat siyang kunin ng Phone Pals dahil naiakyat niya ang kanyang team sa Finals.

Pero siyempre kailangang may patunayan pa si Bayno.

Sa kabilang dako naman, subok na si Yeng bilang coach dahil may ilang titulo na rin ito sa kanyang bulsa.

Hindi lang naman sa Thunder kundi maging nang hawak pa nito ang dating RFM team ni Joey Concepcion.

Pero may kasabihan nga na bilog ang bola at hangga’t hindi tumutunog ang final buzzer hindi mo masasabi kung panalo ka na.

At sa dalawang ito, kailangan nilang mag-unahan sa pagtala ng apat na panalo para maging kampeon.

Kaya may the best team wins!
* * *
Personal: Happy Birthday sa aking tiyahin na si Mrs. Brenilda Medina (September 3), Pido Jarencio (Sept. 3), kay Jeng-jeng (Sept.3) Pareng Barry Pascua (Sept. 4), Dominic Ocampo (Sept. 4) Mareng Linda Vergara (Sept. 5), Florence Pableo ( Sept. 9), sa aking Dad na si Ric dela Cruz (Sept.10) at Mareng Nida Tolosa (Sept. 13) Nap Gutierrez (Sept.18) at Salve Asis (Sept. 23).

ASI TAULAVA

BAGAMAT

BATANG RED BULL

BILL BAYNO

BUSAN ASIAN GAMES

DAVONN HARP

N TEXT

PHONE PALS

RED BULL

SEPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with