^

PSN Palaro

Qatar inimbitahan para sa tune-up match

-
Para higit pang masukatan ang lakas ng Philippine Basketball Team, umaasa ang Nationals na muling magkaroon ng dalawang laro kontra naman sa Qatar National Team bago sila sumabak sa Asian Games sa Busan, South Korea ngayong Setyembre.

Sa pamamagitan ni Rhea Navarro, PBA-RP Team liason officer, inimbitahan ang Qatar para makipagpukpukan sa RP-5.

‘There is nothing like competing against teams that play the international brand of basketball,’ pahayag ni coach Jong Uichico.

Sinabi ni Uichico na umaasa sila na makakaharap nila ang Qatar, nagsasagawa rin ng kanilang tune-up games sa labas ng kanilang bansa bilang preparasyon sa Asiad na papayag ang koponan na dumayo sa Manila para sa dalawang larong pansamantalang itinakda sa Sept. 21 at 23.

Nakatakdang umalis ang Nationals patungong Busan, South Korea sa Setyembre 25, kung saan nakatakdang makipagharap sila sa United Arab Emirates sa Setyembre 28, isang araw na advance bago ang official opening ng palaro sa Setyembre 29.

Ngunit ayon kay Navarro, kinukumbinsi pa niya ang Qatar team na makarating sa nasabing araw para makalaro sa naitakdang laban.

Sinabi naman ni Rasheed Takrooni, Qatar Basketball coordinator, na sa Setyembre 24 ang pinakamaagang dating ng Qatar dahil sa katatapos lamang ng GCC Cup tournament doon kung saan bukod sa Qatar, kasali din ang Oman, Saudi Arabia, Kuwait at United Arab Emirates basketball team.

Inaasahan ang kasagutan ng Qatar ngayong hapon.

Sinabi rin ni Uichico na kung matutuloy ang nasabing exhibition games, mabibinepisyuhan ang National team sa kanilang pakikipaglaro sa mga dayuhang koponan sa kabila ng kanilang masamang tinapos na kampanya sa PBA dahil sa kakaibang klase ng basketball kumpara sa international game.

Ang Qatar, na tumapos ng ikalimang puwesto noong nakaraang taong Asian Championships sa China nang talunin ang Japan, 74-65, bago napagwagian ng koponan ang Asian Club Championship nitong kaagahan ng taon matapos na gapiin naman ang Saudi Arabia sa finals, ay babanderahan ng 22-anyos at 6-foot-10 sentrong si Hasin Basheer napakahusay sa depensa at rebounder at nabibilang bilang isa sa elite players sa Asia.

ANG QATAR

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN CLUB CHAMPIONSHIP

ASIAN GAMES

QATAR

SAUDI ARABIA

SETYEMBRE

SINABI

SOUTH KOREA

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with