^

PSN Palaro

Baccay, Gawad nanalo sa Tuguegarao run

-
TUGUEGARAO City - Pawang mga taga-Northern Luzon ang siyang umagaw ng eksena nang dominahin nina Armyman Sgt. Rogie Baccay at Maricar Gawad ang 20K field ng elemination round ng 26th Milo Marathon kahapon ng umaga dito.

Ang panalo ay nagdala kina Baccay at Gawad na maka-entra sa national finals ng Milo Marathon sa Manila sa Disyembre, bukod pa ang P10,000 na premyo sa event na nilahukan ng mahigit sa 3,000 runners na karamihan ay mga mag-aaral ang lumahok sa 3K kiddie run at 5K fun run.

Nagawang makipagsabayan ng 35-anyos na si Bac-cay, second placer noong nakaraang taon sa 5K run at nakabase sa Camp Upi sa Isabela sa lead pack bago kinuha ang trangko sa kaagahan ng karera kung saan kumawala siya sa huling 7 kilometro upang tahaking mag-isa ang finish line sa tiyempong 1:12:01.

Nadiskuwalipika naman ang second placer na si Ribel Canelas, miyembro ng FEU track team dahil sa kuwestiyonableng qualifications at isa ring 32-anyos na Armyman na si Sgt. Samuel Bernados, mula rin sa Isabela ang siyang umangkin ng ikalawang pu-westo sa qualifying run ng Milo Marathon na sponsored ngayong taon ng Bayview Park Hotel, Adidas, Cebu Pacific, Ford Phils., at ng Department of Tourism.

Ang ikatlong puwesto ay napunta sa isa pa ring Armyman na si Sgt. Henry Bajo, 38-gulang upang kumpletuhin ang sweep ng Army at ang top 3 places sa men’s division ng 20K run. Siya ay naorasan ng 1:19:02 at tumanggap ng P4,-000.

Sa women’s division, kinuha ng 27-gulang na si Gawad ang maagang kalamangan na hindi na niya binitiwan hanggang sa itala ang kanyang magaang na panalo sa oras na 1:42:06.

Pumangalawa ang 33-anyos na si Nancy Tumpala, tubong Tuguerao na nagsumite ng 2:05:31 at pumangatlo si Flordeliza Cabutaje na nagbigay ng tiyempong 2:20:34.

ARMYMAN

ARMYMAN SGT

BAYVIEW PARK HOTEL

CAMP UPI

CEBU PACIFIC

DEPARTMENT OF TOURISM

FLORDELIZA CABUTAJE

FORD PHILS

GAWAD

MILO MARATHON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with