DLSU Green Archers malinis pa rin
September 2, 2002 | 12:00am
Nagpasiklab si Carlo Sharma sa huling limang minuto ng sagupaan upang igiya ang defending champion De La Salle sa 92-85 tagumpay kon-tra sa University of the East upang panatilihing malinis ang kanilang kartada sa pagpapatuloy ng 65th UAAP mens basketball tournament sa Rizal Memorial kahapon.
Tumapyas si Sharma ng 24-puntos, walo nito ay mula sa huling minuto ng labanan upang pangunahan ang Green Archers sa kanilang ika-11th sunod na panalo na nagsiguro sa kanila ng twice-to-beat bentahe sa Final Four.
Humatak rin si Shar-ma ng 15 rebounds kung saan sa huling 2:12 minuto ng labanan ay pumukol ito ng dalawang layup at dalawang free throws upang agawin ang 80-79 pangunguna.
Nauna rito, pinasabog naman ng Far Eastern University ang National University, 95-68 upang pagandahin ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng ikalimang panalo matapos ang 11 laro at manatiling buhay ang kanilang tsansa sa Final Four. (Ulat ni M. Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am