Umaasa si del Rosario, nagrolyo ngt 10-game series na 2,036 sa eliminations na muli niyang kakatawanin ang bansa sa international finals na nakatakda sa October 20-26 sa Toss Bowling Hall sa Riga, Latvia. Siya ay tumapos ng ikalawa sa international finals noong nakaraang taon.
Ang iba pang kalahok sa mens finals ay pangungunahan ni four-time World Cup titlist Paeng Nepomuceno kung saan makikipagtagisan siya ng talento para sa korona sa EDSA Lanes.
Makaraan ang unang araw, ang field ay nahati sa top 28 men at ladies na lalaro sa Sept. 4 sa SM Megamall. Bago sa Sept. 6 sa Power Bowl, ang top eight base sa kani-kanilang scores sa unang dalawang rounds (24 games para sa lalaki at 20 para naman sa babae) ang siyang uusad sa quarterfinals kung saan maghaharap sila sa best-of-three games upang madetermina ang seimfinalists.
Tatanggap ang mens at ladies runner-up ng gift certificates na nagkakahalaga ng P25,000 at P20,000, ayon sa pagkakasunod, habang ang third-placers ay mag-uuwi ng P15,000 at P12,000, ayon sa pagkakasunod.