^

PSN Palaro

Kampanya sa World Cup bubuksan ni Del Rosario sa panimula ng Ladies National Finals

-
Bubuksan ng defending champion na si Liza del Rosario ang kanyang kampanya para sa back-to-back international World Cup stint ngayong alas-12 ng tanghali sa pagsisimula ng ladies’ national finals sa EDSA Lanes.

Umaasa si del Rosario, nagrolyo ngt 10-game series na 2,036 sa eliminations na muli niyang kakatawanin ang bansa sa international finals na nakatakda sa October 20-26 sa Toss Bowling Hall sa Riga, Latvia. Siya ay tumapos ng ikalawa sa international finals noong nakaraang taon.

Ang iba pang kalahok sa men’s finals ay pangungunahan ni four-time World Cup titlist Paeng Nepomuceno kung saan makikipagtagisan siya ng talento para sa korona sa EDSA Lanes.

Makaraan ang unang araw, ang field ay nahati sa top 28 men at ladies na lalaro sa Sept. 4 sa SM Megamall. Bago sa Sept. 6 sa Power Bowl, ang top eight base sa kani-kanilang scores sa unang dalawang rounds (24 games para sa lalaki at 20 para naman sa babae) ang siyang uusad sa quarterfinals kung saan maghaharap sila sa best-of-three games upang madetermina ang seimfinalists.

Tatanggap ang men’s at ladies’ runner-up ng gift certificates na nagkakahalaga ng P25,000 at P20,000, ayon sa pagkakasunod, habang ang third-placers ay mag-uuwi ng P15,000 at P12,000, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

BUBUKSAN

MAKARAAN

MEGAMALL

PAENG NEPOMUCENO

POWER BOWL

SIYA

TATANGGAP

TOSS BOWLING HALL

UMAASA

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with