Titulo sa Poland idedepensa ni Reyes
September 1, 2002 | 12:00am
Pangungunahan ng defending champion Efren Bata Reyes ang all-star cast ng anim na manlalaro upang idepensa ang kanyang korona sa 5th World Pool League sa Oktubre 25-27 sa Warsaw, Poland, ito ang inihayag ng event producer, Matchroom Sports of England.
Bukod kay Reyes ng Philippines, ang iba pang manlalaro ay sina World Champion Earl Strickland (USA), Asian No. 1 Ching-Shun Yang (Taiwan), European Champion Oliver Ortman (Germany), six-time World Snooker champion Steve Davis (England) at four-time Polish Champion Radoslaw Babica (Poland).
Pag-aagawan ng mga nabanggit ang nakatayang $50,000 prize fund; $15,000 para sa champion, $10,000 sa runner-up, at tig-$8,000 sa losing semifinals, habang pagkakalooban naman ang 5th hanggang 6th placer ng $4,000.
Napagwagian ni Reyes ang korona nang kanyang gapiin si Davis, 9-5 sa finals.
Simple lamang ang format ng tournament kung saan ang bawat manlalaro ay maghaharap at sa pagtatapos ng elimination ng league section, ang top four players ang siyang maglalaban-laban para sa semifinals at ang mananalo ang siya namang magtutunggali para sa korona.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am