Baculi balik coach sa Dazz

Muling nagbalik ang dating Welcoat coach na si Junel Baculi sa kanyang dating koponan na siyang humulma ng kanyang career sa basketball.

Si Baculi ay muling kinuha ng Lamoiyan Corporation bilang bagong head coach ng Dazz Dishwashing Liquid sa pagpapalakas ng kanilang kampanya para sa korona ng PBL 2nd Conference.

Ang pagtatalaga kay Baculi ay kinumpirma ni Dazz team manager Bernard Yang makaraan ang kanyang mahabang pakikipagpulong kay Baculi at Lamoiyan Corporation president Cecilio K. Pedro noong isang araw.

"It’s not really surprising. Coach Junel already proved himself to the company when he steered the team to two titles way back in 1996. Mr. Pedro wants to revive those glory days," ani Yang.

Kasama rin sa nasabing meeting ang ace pointguard na si Eugene Tan at beteranong si Joel Dualan na kanilang pinapirma.

Binigyan ni Baculi ang Lamoiyan Corporation ng nag-iisang PBL crown na isukbit ng Ma Jian-reinforced Dazz ang PBL Reinforced title noong 1996. At ang nasabi ring koponan ang pinagkalooban ng karapatan na katawanin ang bansa sa ABC Champions Cup at kanilang napanatili ang korona sa ikalawang sunod na taon sa likod nina imports Bobby Parks at Tony ‘Hurricane’ Harris.

Show comments