Gaze hanga sa RP Team
August 31, 2002 | 12:00am
Sa simula pa lamang ay alam na ng lahat na naririto ang Melbourne Tigers mula sa Australia upang turuan ng leksiyon ang RP Team Selecta na siyang kakatawan ng bansa para sa Asian Games sa September 29-October 14.
Ang unang leksiyon ay kanilang natutunan matapos ang 80-76 kabiguan sa una sa kanilang dalawang exhibition matches, kamakalawa sa Cuneta Astrodome.
Kailangang pag-ibayuhin ng Asian Games-bound PBA Selection ang kanilang depensa ayon kay Lindsay Gaze, ang coach ng Melbourne.
"They have to put on more defensive pressure. The team has to learn to pressure hard on the man with the ball and even harder on those without the ball," ani Gaze, na nagkaroon ng karanasan ng pagko-coach sa Korea at China.
At kailangan ding matutunang bawasan ng Nationals ang kanilang turnovers na isa ring dahilan ng kanilang pagkatalo.
Muling maghaharap ngayon ang RP Team at Tigers sa kanilang huling exhibition game sa Araneta Coliseum sa ganap na alas-4:00 ng hapon at inaasahang makakabawi ang RP Team sa kanilang nakaraang pagkatalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended