Cast ng Final Four binuo ng JRU
August 31, 2002 | 12:00am
Tuluyan nang kinumpleto ng Jose Rizal University ang cast ng Final Four nang kanilang igupo ang College of St. Benilde, 81-79 sa kanilang overtime game kahapon sa NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Bunga ng panalong ito ng Heavy Bombers, tuluyan nang nagpagsar-han ng pinto ang naghahabol na Colegio de San Juan de Letran sa semifinal round.
Makakasama ng Jose Rizal sa Final Four ang defending champion San Sebastian College, CSB Blazers at Philippine Christian University matapos nilang itala ang ikawalong panalo sa 12 pakikipaglaban.
Pinangunahan ni Marco Fajardo ang Jose Rizal sa paghakot ng 34 puntos upang ipalasap sa St. Benilde ang kanilang ikatlong kabiguan, matapos ang 12 pakikipaglaban ngunit hindi maisasantabi ang kabayanihan ni Joel Finuliar at McDonald Santos.
Naisalba ni Santos ang nagmintis na jumper ni Wynsjohn Te matapos itong umiskor ng tip-in sa huling 20 segundo ng labanan upang ibigay sa Bombers ang 80-79 kalamangan.
Nagmintis naman si Elvis Tolentino sa kanyang tres na maaaring nakapagligtas sa Blazers ngunit agad namang nakuha ni Finuliar ang rebound at nakakuha ng foul para sa kanyang split charity na siyang nag-poste ng final score.
Sa unang laro, pinasadsad naman ng Mapua Institute of Technology ang San Beda College, 88-68 upang iangat ang kanilang record na 6-7 panalo-talo at ipalasap sa Red Lions ang kanilang ika-12th na kabiguan sa 13 laro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended