^

PSN Palaro

3 pang teams sa PBL

- Nap Gutierrez -
Sa loob lang ng ilang araw, nakatakda nang i-announce nang tatlong teams ang kanilang pormal na intensiyon sa kanilang pagsali sa PBL.

Ang tatlong teams na yan ay ang LBC Batangas, Cebu Lhuillier at RFM Swift.

Isa sa mga original members ng PBL (na noon ay PABL pa) ay ang Swift. Kaya naman natutuwa rin sina Joey Concepcion at Elmer Yanga na makakabalik sila sa dati nilang tahanan.

Wala pa ring coach ang LBC. Wala pa ring coach ang Swift.

Sabi-sabi, sangkaterbang coach ang naga-apply sa Swift pero wala pa rin silang napipisil.
* * *
Sa September 16 pa magpapa-try out ang bagong Welcoat team.

May mga sigurado na sa line-up nila pero siyempre, hoping sila na baka may makuha pa silang magaling mula sa tryout.

Isa sa mga napapirma na nila ay si Ariel Capuz na dating player ng JRU at Ana Freezers.

May napapirma na rin silang isang MBA player na ikagugulat ng marami kapag nalaman nila kung sino.
* * *
Paalis ang isang 40 and above RP national basketball team ngayong early September para sumali sa isang international competition sa Indonesia.

Taon-taon ay kinapapanabikan ang labanang ito dahil nakakatuwa nga namang makita na ang mga players na 40 and up na ang age ay malalakas pa rin at mabibilis.

Ang team owner ng Welcoat team na si Terry Que ang siyang nangunguna sa koponang ito.

Makakasama niya sina Freddie Hubalde, Abet Guidaben at Lim Eng Beng.
* * *
Sa naturang competition sa Indonesia maglalaro rin sina Samboy Lim at ang dating Letran player na si Tino Pinat.

Pero hindi sila sa Philippine team maglalaro kundi sa Malaysia.

Speaking of Samboy Lim, nais lang nating batiin si Samboy dahil sa pagkakapanalo nito ng MVP award sa nakaraang 4th Danny Espiritu Cup. Miyembro ng Hartman Seigle team itong si Samboy. Head coach nila ay si Mike Ganglani at ang consultant ay ang kaibigan nating si Boy Lapid.

Congratulations sa inyong lahat sa Hartman team.
* * *
Tawa nang tawa ang isang advertising agent habang iniinterview ang isang PBA player sa isang tv show a few days ago.

Kung anu-anong magagandang salita ang binibitiwan niya at para bang isa siyang ‘santo’ sa mga sinasabi niya. Para bang kay bait-bait niya.

Bakit tawa ng tawa si advertising agent?

Hanggang ngayon daw, ilang taon na ang nakakalipas, hindi pa rin ibinibigay sa kanya ng naturang player ang komisyon niya sa isang tv commercial na ibinigay niya sa naturang player.

"Balasubas ang player na yan kaya wala siyang karapatang magsalita na akala mo’y pagkabait-bait niya," sabi ni agent.

ABET GUIDABEN

ANA FREEZERS

ARIEL CAPUZ

BOY LAPID

CEBU LHUILLIER

CENTER

DANNY ESPIRITU CUP

ELMER YANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with