Ang panalong ito na ikawalong sunod ng UE Warriors na nagpahigpit ng kanilang kapit sa ikalawang puwesto taglay ang 8-2 kartada ang nagbigay sa kanila ng ticket sa Final Four.
Hinayaan lamang ng East na mapudpod ang kanilang 20-puntos na bentahe papasok ng ika-apat na quarter at makalapit ang FEU Tamaraws ng hanggang dalawang puntos, ngunit nagising sa tamang oras ang Warriors upang pigilan ang rally at ipalasap sa Far Eastern ang ikaanim na kabiguan sa 10-laro.
Tinapos ng East ang ikatlong quarter na taglay ang 67-47 kalamangan na kanilang naging puhunan sa final canto, subalit isang eksplosibong 13-0 run ang pinakawalan ng Tamaraws upang maka-lapit sa 70-75.
Tuluyan nang dumikit ang Far Eastern ng umiskor si Jonathan Cutler ng triples at basket na naglapit ng iskor sa 77-75, 15 segundo na lamang ang nalalabing oras sa labanan.
Ngunit umiskor si Ronald Tubid ng split shot at sinundan ng dalawang free throws ni James Yap upang iselyo ang tagumpay ng East.
Sa unang laro, pinasadsad naman ng Ateneo de Manila University ang National University, 90-79 upang iangat ang kanilang record sa 5-5 panalo-talo at lalong ibaon ang Bulldogs sa 1-10 kartada.