Aabot sa 2,000 runners, kinabibilangan ng 3K at 5K fun runners kasama ang 20K competitive runners na maglalaban-laban para sa slots ng Milo Marathon national finals sa Manila ang inaasahang dadagsa sa starting line sa loob ng Cagayan Sports Complex, ayon sa local race organizer Rudy Ventura.
Gayunman, hindi maidedepensa ng nakaraang taong champion na si Armyman Rodolfo Tacadino ang kanyang korona dahil hindi siya pinayagan ni Milo Marathon race organizer Rudy Biscocho bunga ng ginawa nitong misrepresented sa kanyang sarili sa Slimmers World 8K run nitong kaagahan ng taon sa Manila kung saan gumamit si Tacadino ng ibang numero ng runners.
"We want to clean the ranks of runners from those who cheat and misrepresent themselves. We have had a lot of experience with runners like him and we believe they do not deserve to join our local races," wika ni Biscocho na diniskuwalipika rin ang nanalong si Noel Bautista sa Lipa City elimination race dahil sa pagkabigo nitong maipasa ang residency requirement.
Ang top three male and female finishers sa 20K distance ay tatanggap ng P10,000, P6,000 at P4,000, ayon sa pagkakasunod at seguradong slot sa 42K national finals sa Disyembre 8 sa Manila.