Ginamit ng Aces ang kanilang malabakod na depensa sa end-game tungo sa kanilang tagumpay na naglapit ng best-of-five semis series sa 1-2 panalo talo na nagbunga ng muling paghaharap ng Talk N Text at Alaska sa Cuneta Astrodome bukas.
Matapos idikit ni Mark Telan ang iskor sa 81-82, 34 segundo ang nalalabing oras sa laro, lumamang ng tatlong puntos ang Aces matapos ang dalawang free-throws ni Rob Duat mula sa foul ni Kenny Evans, 84-81, 8.6 segundo ang natitirang posesyon para sa Phone Pals.
Pumaltos ang triple attempt ni Jerald Honeycutt sa sumunod na play bagamat pumasok ang pinakawalang tres ni Telan, bago tumunog ang final buzzer, hindi ito counted dahil may naunang travelling violation bago binitiwan ni Telan ang bola.
Nagwala ng husto ang kampo ng Phone Pals lalo na sina Honeycutt at coach Bill Bayno na naging dahilan ng kaguluhan sa court pagkatapos ng laro.
"Coach Bill Bayno and I had a side agreement to jump at each other because Red Bull and San Miguel are always in the headline," pagbibiro ni coach Tim Cone.
Ngunit nang magseryoso ito, sinabi niyang seryoso pa rin ang Alaska na makapasok sa kampeonato. " Alaska is an organization with a lot of pride. We are not just after denying Talk N Text a sweep of the semis series but were still aiming for the championships.
Para makapasok sa kampeonato, kailangang ma-sweep ng Aces ang dalawang larong natitira sa serye ngunit ang Phone Pals ay isang panalo na lamang ang laro sa best-of-seven titular showdown kung saan habang sinusulat ang balitang ito ay naglalaban ang Red Bull at San Miguel sa kanilang sariling matensiyon na best-of-five semifinal match.