Peñalosa tuloy ang rematch vs Tokuyama
August 28, 2002 | 12:00am
Napanatili ni WBC superflyweight champion Masamori Tokuyama ang kanyang korona sa pamamagitan ng seventh round TKO panalo kontra sa Mexican challenger Erik Lopez sa Saitama, Japan noong Lunes upang isaayos ang pinakahihintay na showdown laban naman sa No. 1 contender na si Gerry Peñalosa sa mandatory rematch na iniutos ng WBC.
Sina Tokuyama at Peñalosa, kapwa North American Boxing Federation at WBC International superflyweight champion ay eentra sa ibabaw ng lona sa Osaka sa Nobyembre 8 bunga ng kani-kanilang impresibong panalo.
Tinalo ni Tokuyama si Lopez ang rated No. 12 ng WBC at ginapi naman ni Peñalosa si Seiji Tanaka sa eight round noong nakaraang Agosto 20 sa Blaisdell Center Arena sa Honolulu.
Ang nakaraang laban sa pagitan nina Peñalosa at Tanaka, kasama ang slam-bang na three round exhibition sa pagitan naman nina IBF junior featherweight champion Manny Pacquiao at one-time featherweight title challenger Jesus Salud, gayundin ang laban ni WBC International flyweight champion Juanito Rubillar kontra dating Japanese champion Takayuki Korogi ay mapapanood sa alas-9 ng gabi sa Sabado sa IBC-13.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended