Kailangan na lamang ng Shell-Yamaha stalwart na tapusin na ligtas ang dalawang nalalabing yugto sa serye upang maibulsa ang titulo sa premiere division dahil sa kanyang 20 puntos na kalamangan mula sa mga mahigpit niyang karibal sa Pro Open at kabuuang 204 puntos.
Dinomina naman ng teammate ni Leongson na si Jovie Saulog ang Pro Open sa kanyang itinalang 169 puntos, habang nakuntento lamang sa ikalawang puwesto ang Caltex Revtex-KTM hotshot na si Glenn Aguilar sa Pro Open at tumersera naman sa Pro 125 na may 30-puntos.