Hartman-Seigle kampeon sa 4th D. Espiritu Cup

Nagpakatatag sa huling bahagi ng labanan ang Hartman-Seigle upang maungusan ang Cebu-based ML Kwarta Padala, 66-62 kahapon at ibulsa ang korona ng 4th Danny Espiritu Cup sa Lyceum gym.

Humakot si Ariel Capus ng 21 puntos, habang nagdagdag naman si Samboy ‘The Skywalker" Lim, nahirang na Most Valuable Player ng 18 puntos upang trangkuhan ang Hartman-Seigle sa kanilang panalo.

Kasama ni Lim sa Mythical Team sina Hartman-Seigle’s Manny Mendoza at Edilito Saygo at ML Kwarta Padala’s Hercules Tangkay at Bruce Dacia.

Show comments