^

PSN Palaro

Mainit ang dugo ng SMBeer at Red Bull sa isa't isa

SPORTS LANG.... - Dina Marie Villena -
Umiigting ang labanan sa Samsung-PBA Commissioner’s Cup semifinals kung saan kapwa abante ang defending champion Batang Red Bull at Talk ‘N Text , 2-0, na tila naghuhudyat ng kanilang napipintong pagsasagupa sa kampeonato.

Masyadong mainit ang bakbakan ng Red Bull at ng San Miguel kung saan may sakalang naganap noong Game-Two.

Mainit na mainit ang pagtatagpo ng Beermen at Thunder kung saan humantong pa ito sa sakalan.

Sinakal ni SMBeer import Terq Mott si Red Bull import Tony Lang.

Ang San Miguel at Red Bull na ngayon ang mahigpit na magkaribal dahil sa ilang kaguluhang naganap sa kanila mula pa sa simula ng kumperensiya.

Kung matatandaan n’yo kapwa nagmulta sina Lang at dating import ng SMB na si Art Long ng tig-P50,000 dahil sa involvement ng dalawa sa gulo.

Ngayon, tiyak na ipapatawag naman si Mott sa kanyang ginawang pagsakal kay Lang.

At maging ang coach ng Talk ‘N Text na si Bill Bayno ay nasangkot din. Pero umaawat lang daw ito at nang makita ni SMB assistant coach Art dela Cruz at pinagsalitaan niya ang Amerikano ng hindi magandang pananalita.

At kay Mott, malamang na mas malaki ang maging pinsala sa kanya kaysa kay Lang dahil siya ang nanakal.

Tila hindi nagiging maganda ang imahe ngayon ng San Miguel Beer at ng Red Bull?

Kasi kapag sila ang may laro, para bang may napipintong gulo na maaring mangyari kahit na hindi sila ang magkalaban?

Ganun nga kaya?

Hindi naman siguro, nagkataon lang marahil na naging mahigpit silang magkaribal ngayon sa PBA.

Anong say n’yo?

Sa ngayon, pinatawag umano ang buong San Miguel Beer at Red Bull team para magpaliwanag sa gulong naganap, habang si Bayno naman ay ipinatawag din dahil naman sa kanyang dalawang technical foul na naganap naman sa laro ng Talk ‘N Text at Alaska.

vuukle comment

ANG SAN MIGUEL

ART LONG

BATANG RED BULL

BILL BAYNO

N TEXT

RED BULL

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

TERQ MOTT

TONY LANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with