^

PSN Palaro

PCU pasok sa Final Four ng 78th NCAA

-
Matapos ang mahaba-habang paghihintay, nagbunga rin ang pagsisikap ng Philippine Christian University nang makaentra sila sa Final Four ng 78th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

At ito ay dahil sa kabayanihang ipinamalas ni Bernzon Franco na hmataw ng double-double sa pagkamada ng 27 puntos at 11 rebounds upang igiya ang Dolphins sa kanilang 88-84 panalo kontra sa Mapua Institute of Technology.

Ang panalong ito ng Taft-based dribblers na ika-8 matapos ang kanilang 4 na talo sa kabuuang 12-laro ang nagpatibay ng kanilang kapit sa ikatlong puwesto at kauna-unahan nilang pagpasok sa Final Four ng pinakamatandang liga sa bansa sapul ng sumali noong 1996.

Bukod sa pagpapaganda ng kanilang karta, ang panalo ng Dolphins ang nagbigay sa kanila ng malaking tsansa na makakuha ng twice-to-beat advantage na ipinagkakaloob sa top two teams sa pagtatapos ng eliminations.

Makakasama ng Dolphins sa Final Four ang magkasosyo sa lideratong San Sebastian College at College of St. Benilde na kapwa nag-iingat ng 9-2 kartada at Jose Rizal University na nag-iingat ng 7-4.

"I’m very proud with the accomplishment of the team. The school waited years for this to happen. Now that we’re on the Final Four, we’ll try to win our last two games, baka makatsamba pa sa twice-to-beat," pahayag ng guro ng PCU na si Jimmy Mariano.

Nagbigay rin ng malaking suporta sa panalong ito ang mahusay na performance nina Alwyn Ilagan na kababalik lamang sa laro matapos na masuspindi ng tatlong laro bunga ng kanyang pagkakasangkot sa naganap na fist-fight sa kanilang laban kontra sa San Beda at Jojo Roque na kapwa gumuhit ng tig-14 puntos.

Abante ng apat na puntos, 27-23 sa pagtik-lop ng unang canto, uma-lagwa ang Dolphins sa sumunod na bahagi ng laro upang itarak ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 16 pun-tos, 43-27 may 5:08 ang nalalabi sa second period na hindi na nila binitiwan pa.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang San Beda at San Sebastian. (Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

ALWYN ILAGAN

BERNZON FRANCO

COLLEGE OF ST. BENILDE

FINAL FOUR

JIMMY MARIANO

JOJO ROQUE

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MARIBETH REPIZO

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with