Ibinigay ni Franco Teves ang unang ginto sa Pilipinas nang kanyang dominahin ang minus 55 kilograms, habang nasungkit naman ng Asian Games-bound Aisa Marie Ano ang nakatayang ginto sa minus 78 kgs. upang pangunahan ang magandang performance ng Philippines sa 7-nation tourney na ito.
Ang silvers ay inihatid naman nina Samson Bernales na nagwagi sa minus 66 kilograms, Esty Gay Liwaned sa minus 63 kgs., Karen Ann Solomon sa minus 70 kgs. at Khammila Rosales sa plus 78 kilograms.
Nagsipag-uwi naman ng bronze medals sina Gilbert Ramirez (-73 kgs.), Helen Dawa (-48 kgs.) at Rezil Rosa-jelos (-48 kgs.)
Sina Teves, Bernales, Dawa at Liwanen ay pawang nagsipagwagi rin ng bronze sa male at female division ng kata competition.
Sumungkit ring si Dawa ng gold sa nasabing weight division sa 14-nation second HTV Cup ng 10th Vietnam International Judo Championships.
Humakot rin sina Gilbert Ramirez at Karen Ann Solomon ng silvers, habang bronze naman ang kina Teves at Ano sa kani-kanilang weight category sa nasabi ring tournament.
Tumapos ang Philippines ng ikalawang puwesto sa seventh ASEAN tourney sanhi ng kanilang dalawang golds, apat na silvers at limang bronzes.