Malinis na baraha asam ng CSB at Miriam College sa WNCAA
August 24, 2002 | 12:00am
Kapwa sisikapin ng College of St. Benilde at Miriam College na mapanatiling malinis ang kani-kanilang kartada sa nakatakdang pakikipagharap kontra sa kanilang mga kalaban ngayon sa 33rd WNCAA-Adidas basketball tournament sa St. Scholasticas College gym.
Tatangkain ng defending champion CSB Blazers ang kanilang ikalimang sunod na panalo kontra Fiery Red Lilies na Siena College (2-0) sa ala-1:30 ng hapon, habang sasagupain naman ng MC Golden Phoenix na pumapangalawa sanhi ng kanilang 3-0 kartada ang Lyceum Lady Pirates sa alas-12 ng tanghali.
Sa iba pang laro, magtitipan ang St. Scho at ang Emilio Aguinaldo College sa alas-3.
Bubuksan naman ng lider na Assumption College ang hostilidad sa Midget division sa kanilang engkuwentro ng Miriam sa alas-8 ng umaga at sa high school bracket, susubukan ng St.Scho ang tikas ng Miriam sa alas-9 ng umaga, habang maghaharap naman ang Assumption at ang St. Stephen High School sa alas-10:30 ng umaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended