^

PSN Palaro

Ang Tibay Ni Jerry Codiñera!

- Nap Gutierrez -
Alam nyo bang si Jerry Codiñera ang tanging natitirang player mula pa nung Northern Consolidated days (NCC) ni Amb. Danding Cojuangco nung early 80s?

Grabe, ganyan katibay si Jerry.

Ang mga kasabayan niya noon ay sina Allan Caidic, Yves Dignadice, Hector Calma, Samboy Lim, Jong Uichico among others. Ang lahat sa kanila ay nagsipag-retiro na sa paglalaro at ang iba sa kanila’y naging coach na sa PBA.

Pero si Jerry hayan at humahataw pa rin. Naglalaro pa rin at mukhang kayang-kaya pang tumagal kahit na apat na taon pa.

Pero sabi nga ni Jerry, naghahanda na rin naman siya sa kanyang pagre-retiro sa basketball.

"Hindi naman tayo puwedeng maglaro nang maglaro ng habambuhay. Siyempre, darating din naman yung point na kailangan mong huminto na dahil hindi na kaya ng tuhod mo o hindi na kaya ng katawan mo. Ako nga, I’m very thankful na all through these years, nanatili akong fit to play all the time kaya naman nandito pa rin tayo. Disiplina lang talaga. Matagal ko nang iniiwasan yung mga bisyo-bisyo, yung paglalabas-labas sa gabi, yung mga gimik namin noon. Tinapos ko lahat yun at nag-concentrate na ako sa paglalaro ko at sa pamilya ko," kuwento ni Jerry.

Dalawa na ang anak ni Jerry at ng kanyang asawang si Jean, isang babae at isang lalake.

Si Matis ay 5 years old na ngayon at si Manu ay 2 years old.

May mga nagsasabing pag-retiro ni Jerry sa basketball ay papasok siya sa politika.

Napakarami na raw nag-alok kay Jerry na tumakbo bilang congressman o councilor sa Maynila pero lagi niya itong tina-tanggihan.

"Pinag-aaralan ko pa. Okay lang naman sa akin, pero siyempre magulo yan eh. Kailangan ng focus. Siguro, sa 2004, puwede nang I-consider, wala namang masama kung makapagsilbi ka in another field, di ba." dagdag pa ni Jerry.

Ang asawa ni Jerry na si Jean ay hindi kuntento sa pagiging plain housewife. Kaya siya’y nagpupursigi rin.

"I want to help Jerry in building up the family. Mas maganda na rin siguro kaysa magmukmok ako sa bahay," sabi ni Jean. Si Jean ay may sariling negosyo at ito’y ang kanyang pagiging corporate planner. Malalaking kumpanya ang hawak niya at kahit paano, sabi nga niya, masaya naman siya sa kanyang kinikita.

"Ang tanging yaman namin ni Jerry ay buo at masaya ang pamilya namin," sabi ni Jean.

Masaya si Jerry sa kanyang team, ang FedEx team. "He’s never been happier in any team in his career," napansin ni Jean sa kanyang asawa. "He looks forward to all the games, to all his practices at sa tingin ko, maligaya talaga siya sa kanyang team."

Sabi ng mga kaibigan niya, ang malaking sikreto ni Jerry kung bakit hanggang ngayon eh nandiyan pa rin siya eh ang kanyang ugali na marunong tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakatulong sa kanya, higit sa lahat sa kanyang pamilya at ang hindi pagbabago ng kanyang ugali sa gitna ng kanyang angking kasikatan at katanyagan.

Nawa’y maging magandang ehemplo para sa mga bata pang basketball players ang kakaibang ugali na ito ni Jerry.

Mabuhay ka, Jerry Codiñera!

ALLAN CAIDIC

DANDING COJUANGCO

HECTOR CALMA

JERRY

JERRY CODI

JONG UICHICO

KANYANG

NORTHERN CONSOLIDATED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with