Letran at MIT kakatok sa Final Four

Dahil di pa natatanaw ng Letran College at Mapua Institute of Technology ang pintuan patungo sa Final Four ng NCAA men’s basketball tournament, sisikapin nilang makalapit sa susunod na round sa kanilang pakikipagharap sa magkahiwalay na asignatura ngayon.

Nakatakdang sagupain ng Letran College ang San Beda College sa unang seniors game sa ganap na alas-2:00 ng hapon na susundan na-man ng pakikipag-engkwentro ng MIT Cardinals sa University of Perpetual Help Rizal sa dakong alas-4:00 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Kapwa nakakasisiguro na sa Final Four ang CSB Blazers at SSC Stags habang dalawang panalo na lamang ang layo ng JRU Heavy Bombers at PCU Dolphins sa susunod na round.

Sa juniors division, bubuksan naman ng LC Squires at SBC Red Cubs ang aksiyon sa kanilang engkwentro sa ganap na alas-11:30 ng umaga habang ang MIT Red Robins at UPHR Altalletes ang magtatapos ng apat na laro sa bandang alas-6:00 ng gabi. (Ulat ni CVOchoa)

Show comments