Dolphins pinasabugan ng Heavy Bombers
August 22, 2002 | 12:00am
Matagumpay na naikonekta ni Joel Villarin ang napakahalagang tres na nagkaloob sa Jose Rizal University sa 94-91 panalo kontra sa Philippine Christian University sa NCAA mens basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Higit na pinaigting ng JRU Heavy Bombers ang kanilang kampanya sa Final Four matapos umangat sa 7-4 record na nagbunga ng kanilang pakikipagtabla sa kanilang biktimang Dolphins sa ikatlong puwesto.
Binasag ng krusyal na tres ni Villarin ang 91-pagtatabla ng score na siyang nagkaloob sa Jose Rizal ng 94-91 kalamangan, 4 segundo na lamang ang natitirang oras sa laro.
Tumapos lamang ng 6-puntos si Villarin ngunit ang kanyang tres ang nagkumplimento sa 21 puntos ni Marco Fajardo, 17 puntos ni Edward Attunaga at 15 puntos ni Joel Finuliar.
Bagamat may tsansa pa ang Dolphins, walang nangyari sa kanilang huling posesyon nang pumaltos lamang ang minadaling three-point attempt ni Vernzon Franco.
Naipaghiganti ng Jose Rizal ang kabiguan ng kanilang junior counterparts kontra sa PCU Baby Dolphins sa unang laro, 77-75. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am