Amerikano tinalo ni Bata Reyes

Higit pang pinatingkad ni Efren ‘Bata’ Reyes na sariwa pa mula sa kanyang panalo sa International Challenge of Champion sa Connecticut ang kanyang bagong korona na ‘Champion of Champions’ nang kanyang talunin si J.R. Calvert ng Amerika sa isang one-sided match sa opening round ng Gabriel Las Vegas Invitational 9-Ball tournament sa Nevada noong Martes.

Ginapi ni Reyes si Calvert, 3-0 sa best-of-5 race-to-5 sets format, upang pagtagumpayan ang laban sa iskor na 5-0, 5-2 at 5-1.

Nakatakda namang lumaro ang kapwa niya Puyat Sports teammate Francisco ‘Django’ Bustamante, nanalo sa Peninsula 9-Ball Open sa Virginia noong nakaraang linggo ng kanyang unang laban kontra sa kababayang si Santos Sambajon sa Miyerkules (Huwebes sa Manila)

Makakatunggali naman ni Reyes si Keath McCready ng Amerika sa nasabi ring araw.

Show comments