Gold nakuha ni Golez
August 22, 2002 | 12:00am
PYONGYANG, North Korea -- Isa na namang kasaysayan sa Philippine sports ang isinulat kahapon ng Team Philippines makaraang itaas ni middleweight Maraon Golez ang bandila ng Pilipinas na sinabayan ng pag-awit ng mga local residents dito ng Lupang Hinirang sa kauna-unahang pagkakataon dito sa pagsasara ng Pyongyang International Boxing Invitational tournament.
Tinalo ng 21-anyos na Armyman na si Golez, ipinagmamalaki mula sa Cebu at may maikling karanasan sa pito kataong ipinadala rito ng Amateur Boxing Association of the Philippines ang Korean campaigner na si Kim Sun Kil mula sa umpisa pa lamang ng labanan sa kanilang four-round finals bout sa iskor na 12-6.
Ang panalo ang pumigil sa tangkang 12-event sweep ng host country at basagin ang sunod-sunod na pag-alingawngaw ng Korean national anthem ng pitong sunod na beses sa awards rites at apat na ulit "Talagang pinagsikapan ko na, sir. Medyo dehado tayo sa judging kaya umpisa pa lang, inupakan ko na nang husto para huwag nang makaporma," pahayag ni Golez na nakarating sa gold medal bout ng kanyang supilin ang Korean No. 2 na si O Yong Su sa first round ng kanilang semifinals fight.
"Ito ay para sa bayan at para na rin sa mga sumusuporta sa ating mga boksingero lalong-lalo na si Boss Manny (ABAP) president Lopez, na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Lunes at ang mga opisyal ng ABAP at mga coaches," wika pa ni Golez kung saan ang dalawa niyang naunang international tournament ay pawang bigo.
Ang panalo ni Golez ang tumabon sa kamalasan ng koponan na ipinadala rito ng PSC, Pacific Heights at Revicon para sa final international training ng national pool bago sila tumulak sa Busan Asian Games kung saan nanakawan si light-flyweight Harry Tanamor ng medalyang ginto matapos na huling dumating ang bus sa fights venue para sa kanyang warm-up.
Dumating ang bus na dala ang lahat ng foreign finalists sa Pyongyang Indoor Stadium sa venue na may nalalabing dalawang minuto na lamang bago itakda ang unang finals at ang laban ng 23-anyos na si Tanamor, isa ring Army boxer mula sa Zamboanga at bahagya lamang siyang nakapag-workout upang pawisan sa kanyang laban kontra hosts No. 1 Kim Chol Ban.
At ang naging resulta ng kanilang laban, ginamit ni Tanamor ang unang dalawang round bilang warm-up at ng ganap na niyang makuha ang tempo, malaki na ang agwat ng Korean pug, 11-5.
Sinikap ni Tanamor na mag-rally, subalit ang tanging nagawa niya ay ang maibaba ang abante ng kalaban sa 15-18 sa pagtatapos ng kanilang laban para sa silver medal.
Bukod sa gold ni Golez at silver ni Tanamor, nag-uwi rin ang koponan ng limang bronze medals mula kina flyweight Violito Payla, bantamweight Ferdie Gamo, featherweight Roel Laguna, lightweight Anthony Igusquiza at light middleweight Christopher Camat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended