Pinay cue artist isasalang
August 21, 2002 | 12:00am
Kumpiyansa ang Philippine Women billiards players na makakalusot sa kanilang kauna-unahang international stint sa kanilang pakikipagharap sa mahuhusay na cue artists ng Singapore sa Sabado at Linggo sa Agosto 24-25 sa Orosa Atrium ng Robinson Place Manila.
"Our players are ready and raring to go. They have been training for the past two months because they know how tough the opposition is going to be," pahayag ni coach Boyet Asonto kahapon ng maging panauhin ito sa lingguhang PSA Forum kasama ang kanyang mga manlalaro na sina PWPC (Philippine Women Players on Cue) officials Bong Coo, Tetchie Remondeulaz at Evelyn Reyes.
Nangako ang mga miyembro ng RP teams na sina Rubilen Amit at Johanna Dee na kanilang ibibigay ang magandang perfor-mance,bagamat sila ay bahagyang kinakabahan dahil kinukunsidera nila na ang kanilang laban sa Singaporeans ay magsisilbing baptism of fire para sa kanila.
Ang iba pang manlalaro ay sina Sheila dela Cruz, Magda Say, Nina Angeles at Iris Ranola.
Nakatakdang dumating ang Singaporeans sa Biyernes ng umaga para sa dalawang araw na RP-Singapore Womens Cue Challenge na hatid ng PAGCOR, Philippine Sports Commission, Brunswick, Bong Coo Sports Products Inc., Aramith, Simonis, Robinsons Place Manila, Coca-Cola, Hoopwear, Trapik.com, Grilla, Stars Venue, Express Card Business Station at Le Soleil de Boracay.
Ang mga bisitang cue artists ay pawang mga beterano ng local at international competitions na binubuo nina Amy Hoe, Charlene Chai, Eunice Tang, Jef Tan, Ong Chew Hoon at Ho Feng Xia.
Ang kompetisyon ay isang 8-ball na gaganapin sa Sabado simula sa alas-10:30 ng umaga na may singles 9-ball event na nakatakda sa Linggo sa alas-10:30 ng umaga. Tampok sa team event ang 36 round-robin single rack matches, habang ang 9-ball singles ay binubuo ng five-rack, one-game knockout matches na ang dalawang best players ang maglalaban-laban sa para sa korona.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am