4 kumpanya kumakatok sa PBL
August 21, 2002 | 12:00am
Para kay Commissioner Chino Trinidad, mas mainam kung dahan-dahan ang paglaki ng pamilya ng Philippine Basketball League.
Sa kasalukuyan ay may apat na kumpanya ang kumakatok sa pintuan ng PBL ngunit ayon kay Trinidad, dalawa lamang muna ang kanilang tatanggapin, sa ngayon.
"Madali lang naman ang mag-expand. Pero kung masyadong marami, medyo mahirap kaya kailangan installment lang ang expansion," pahayag ni Trinidad na panauhin sa PSA Sports Forum kahapon na lingguhang ginaganap sa Holiday Inn.
Nasa "waiting list" ngayon ng PBL ang RFM Corporation, LBC-Batangas, Cebuana Lhuillier at ang Tanduay Gold Rhum.
Ngunit ayon kay Trinidad, posibleng ang dating PBL franchisee na RFM at ang dating MBA team na LBC Batangas ang kanilang tatanggapin para sa nalalapit na Challenge Cup na magsisimula sa Nobyembre 14.
Kabilang sa kasalukuyang walong member teams ng PBL ay ang Shark, Blu Detergent, John-O Juzz, Montana Pawnshop, Ateneo, La Salle, Kutitap at ang balik ligang Welcoat Paints na pumalit naman sa nag-leave of absense na Ana Freezers.
"Hanggang 10 teams lang muna kami ngayon. Mas madali kasi i-manage ang even numbers," ani Trinidad. "Nagi-inquire pa lang naman ang Cebuana Lhuillier and Tan-duay (dating PBL team) kaya siguro next year na sila."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended