^

PSN Palaro

FedEX, Alaska mag-uunahan sa semifinal slot

-
Matapos ang nakaraang pagkabigo, hangad ng Alaska Aces na angkinin ang huling semifinal slot sa kanilang pakikipagharap sa sudden death match laban sa FedEx Express ngayon sa huling araw ng quarterfinals ng PBA Samsung Commis-sioner’s Cup.

Nakatakdang magharap ang Aces at Express sa ganap na alas-6:30 ng gabi sa Phil-Sports Arena upang paglabanan ang karapatang harapin ang Talk ‘N Text Phone Pals sa best-of-five semis series.

Hindi na sana kinailangan pa ng Aces ang kanilang nakuhang twice-to-beat advantage na ipinagkaloob sa top four teams pagkatapos ng eliminations ngunit kinapos ang kanilang isinagawang pagrarally na nagkaloob sa Express ng 79-76 tagumpay.

Matapos umahon sa 16 puntos na pagkakahuli, naidikit ng Aces ang iskor sa 72-73 ngunit ang kabayanihan ni Vergel Meneses ang nagpreserba ng panalo ng FedEx upang ipuwersa ang sudden death match na ito.

Inaasahang muling gagana ang maiinit na kamay ni Jermaine Walker gayundin ng kay Frantz Pierre-Louis upang makumpleto ang dalawang panalong kailangan upang dispatsahin ang Aces.

Kinumpleto ng Talk ‘N Text ang dalawang panalong kailangan sa dalawang magkasunod na araw para patalsikin sa kontensiyon ang Sta. Lucia Realty.

Hinihintay na lamang nila ang makakalaban sa pagitan ng FedEx at Alaska sa semifinals na magsisimula sa Biyernes sa pagbabalik ng PBA game day tuwing Miyerkules, Biyernes at Linggo.

Sa isa pang semis match-up, magsasagupa naman ang defending champion Batang Red Bull at San Miguel Beer sa rematch ng kanilang 2001 Commissioner’s Cup finals showdown na pinagwagian ng Thunder, 4-2.

Nakatutok naman ang depensa ng FedEx kina Ajani Williams at Chris Carawell ngunit inaasahang aangat naman sina Don Carlos Allado, EJ Feihl, John Arigo at Rodney Santos para sa Aces.

"We have to play four quarters of basketball. We can’t just play well for three periods and then collapse in the fourth. That’s one thing I told the boys that we have to prepare for," ani FedEx coach Derrick Pumaren.

Bukod kay Walkers at Pierre-Louis, naririyan naman sina Jerry Codi-ñera, Dindo Pumaren at ang mga promising rookie players na sina Renren Ritualo at Yancy de Ocampo. (Ulat ni CV Ochoa)

AJANI WILLIAMS

ALASKA ACES

BATANG RED BULL

BIYERNES

CHRIS CARAWELL

DERRICK PUMAREN

DINDO PUMAREN

DON CARLOS ALLADO

FRANTZ PIERRE-LOUIS

JERMAINE WALKER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with