Nakatakdang magharap para sa best-of-five semifinal match ang San Miguel Beer at defending champion Batang Red Bull, habang naghihintay naman ng makakalaban ang Talk N Text sa pagitan ng FedEx at Alaska na maglalaro bukas sa isang sudden-death match.
Mukhang kumperensiya nga ito ng Batang Red Bull, dahil sa apat na koponang nasa top four na may biyayang twice-to-beat, ang Thunder lamang ang hindi nagpaabot na muling talunin ng kanyang nakalabang Shell Velocity.
Sila ang unang pumasok sa semis, habang ang San Miguel at Sta. Lucia ay kapwa pinagamit ang kanilang bentahe sa mga kalabang Coca-Cola at Talk N Text, ayon sa pagkakasunod, gayundin ang Alaska na muling haharapin ang FedEx.
Inaasahang puno ng paghihiganti ang ibibigay na laro ng Beermen kontra sa Red Bull, na siyang umagaw ng kanilang titulo noong nakaraang taon.
Ngunit hindi sila nakakatiyak dahil mabigat na laban din ang ibibigay ng Thunder sa kanila para mapanatili ang kanilang naagaw na titulo.
Pero sino nga kaya ang makakausad sa finals Thunder o Beermen?
At iisa lang ang tiyak, punumpuno ng aksiyon ang magaganap sa semis para makarating sa finals.
At simula bukas, Miyerkules, balik-schedule na uli ang PBA games.
Inaasahang magbabalik na rin ang mga manonood sa kanilang nakagawiang panonood ng games.
Kaya halina kayo at magtungo sa PhilSports o Araneta para magbigay ng morale boost sa inyong paboritong team.
Halika na!
Happy birthday kay Minda Velasco ngayon Aug. 20. at advance birthday greeting kay Mae Ochoa sa Aug. 31.