Kampanya ng Stags pinalakas
August 20, 2002 | 12:00am
Pinalakas ng defending champion San Sebastian College ang kanilang kampanya na makapasok sa Final Four makaraang pasadsarin ang Letran, 74-59 sa pagpapatuloy kahapon ng 78th NCAA seniors basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang panalo ay naghatid sa Recto-based dribblers na maokupahan ang solong ikalawang puwesto sa likod ng lider na St. Benilde (9-1) bunga ng kanilang 8-2 win-loss slate.
Para sa Stags, ito ang kanilang pinakamagandang panalo na siyang nagpalakas ng kanilang morale sa kanilang nakatakdang pakikipagtipan sa Dolphins bukas kung saan inaasahan na silang dalawa rin ang magkikita sa Finals.
Kumana si Nicole Uy ng 15 puntos kung saan naging matatag ang kanyang pulso sa rainbow area nang magsalpak ito ng anim upang ipalasap sa Knights ang kanilang ikaanim na pagkatalo matapos ang apat na panalo sa 10-laro.
Sa pangunguna nina Paul Reguera, Leomar Najorda at Victor Vicente, nagawa nilang palobohin ang kanilang pinakamalaking kalamangan sa 19-puntos, 64-43 may 8:43 ang nalalabi sa oras sa final canto.
Ang tanging oposisyon na nagawa ng Knights ay makalapit sa 70-59 mula sa free throws ni Jonathan Aldave, patungong 1:57 oras ng laban, bago tuluyang kinitil nina Vicente at Christian Coronel ang paghahabol ng Knights sa kanilang magkasunod na jumpers. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended