^

PSN Palaro

Gaano kahanda ang RP-5?

-
Haharapin ngayong gabi ng Selecta-RP Team ang Chinese-Taipei squad sa kanilang unang nakatakdang dalawang exhibition game na magsisilbing magandang indikasyon sa ginagawang build-up ng National para sa Asian Games sa Busan.

Ipiprisinta ng Basketball Association of the Philippines at ng Philippine Basketball Association bilang project director, nakatakda ang nasabing laro sa alas-7 ng gabi sa Araneta Colisem na kauna-unahang Asian Games squad ng dalawang bansa simula ng hawakan ni Tim Cone ang Centennial Team na tumalo sa Taiwanese sa isang makasaysayang title game noong 1998 William Jones Cup sa Taipei.

At sa seedings na ginawa sa Busan, susunod na maghaharap ang dalawang bansa makaraan ang goodwill series na ito ay sa quarterfinals na ng Asiad kung saan ang Philippines at Taipei ay inaasahang makakasama ng paboritong China sa iisang bracket.

"This will go a long way in our preparations," pahayag ni Selecta-RP coach Jong Uichico makaraang tapusin ang kanilang magaang na workout ng koponan kahapon. "This will give us a fairly good idea on where we are compared to the other teams in the region."

At sa paghaharap na ito ng dalawang koponan ngayong gabi sa Big Dome at muli sa Huwebes sa Ynares Center sa Antipolo, ito ay bahagyang magkakaroon ng koneksiyon sa naging pagsasagupa ng Philippine at Taipei squads sa kanilang pag-aagawan sa korona ng Jones Cup, apat na taon na ang nakakaraan.

Kakampanya pa rin sina co-skippers Kenneth Duremdes at Olsen Racela, Andy Seigle, forward Dennis Espino at Jeffrey Cariaso ang naiwang manlalaro ni Cone sa Centennial Team na nagwagi ng bronze medal sa Bangkok Asiad apat na taon na ang nakakaraan.

At sa parte naman ng Taiwanese team makalipas ang apat na taon, tanging ang 6-foot-8 sentro na si Chih Wei Wu ang naiwan. Wala na rin ang prolific at exciting na si Cheng Chih Lung, ang high-flying streaks shooting forward na tinaguriang ‘American Ninja’ dahil sa kanyang mga akrobatikong estilo.

Ipaparada ng Philippines ang mga matataas na manlalaro na imi-nolde na halos binubuo ng mga Fil-foreigners’ kabilang ang man-mountain na si Asi Taulava na hinugot ni Uichico para sa quadrennial meet.

AMERICAN NINJA

ANDY SEIGLE

ARANETA COLISEM

ASI TAULAVA

ASIAN GAMES

BANGKOK ASIAD

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BIG DOME

BUSAN

CENTENNIAL TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with