Reli, Magpatic nanalo sa Tacloban elims
August 19, 2002 | 12:00am
TACLOBAN CITY -- Sinorpresa ni Rogelio Reli, tubong Ormoc maging ang kanyang sarili nang magaang na mapagwagian kahapon ang Tacloban 20K elimination run ng 26th Milo Marathon.
Ipinoste ng 22-anyos senior Criminology student ng University of Cebu ang kanyang kauna-unahang back-to-back na panalo sa kabila ng limitado lamang ang kanyang practice.
Kumawala si Reli sa field sa halfway mark ng karera upang tawiring mag-isa ang finish line sa tiyempong 1:08:06 na nagkakahalaga ng P10,000 at slot sa national finals ngayong taong Milo Marathon na sponsored ng Bayview Park Hotel, Adidas, Cebu Pacific, Ford Phils., at ng Department of Tourism.
Napasakamay ng isa pang tubong Ormoc ang huling slot sa mens division nang magtala si Edgar Magpatic ng 1:09:20 at magbulsa P4,000.
Sa womens division ng 20K run na humakot ng mahigit sa 4,200 runners kabilang ang 3K at 5K fun runners, nanguna si Jessica Codilla, 21-anyos mula sa Ormoc nang tiyempong 1:40:46 upang dominahin ang nasabing division at P10,000 premyo.
Pumangalawa si Gennyrose Tegio, isang 5th grader ng City Central Elementary School na may oras na 1:45:20, subalit nabigo ang 14-anyos runners na mag-qualify sa finals dahil sa kanyang edad. Siya ay nag-uwi ng P6,000. Kinuha ni Leslie Evangelista ang ikatlong puwesto sa kanyang isinumiteng 1:54:23 at siya ay napasama sa national finals ang fourth placer na si Mary Anne Alforque na naglista ng 1:55:26.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am