Do-or-die kinana ng Phone Pals

Kinumpleto ni Elmer Lago ang kanyang interception sa pagkonekta ng krusyal na tres na siyang naging tuntungan ng Talk ‘N Text Phone Pals sa 87-79 panalo kontra sa Sta. Lucia Realty kagabi sa PBA-Samsung Commissioner’s Cup sa Ynares Center.

Ito ang nagpuwersa ng kanilang sudden death match ngayon laban sa Realtors na may bentaheng twice-to-beat kaya’t kailangan nila ng dalawang panalo para makapasok sa best-of-five semifinal series.

Mula sa delikadong 79-78 kalamangan, inagaw ni Lago ang bola mula sa pasa ni Sta. Lucia import Stephen Howard kay Chris Clay na nag-bigay daan sa kanyang tres para sa 82-78 kalamangan ng Phone Pals, 44 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Tuluyan nang tinang-gap ng Sta. Lucia ang katotohanang kailangan nilang muling harapin ngayon ang Talk ‘N Text nang pumaltos ang li-breng tres ni Marlou Aquino habang ipinasok naman ni Pete Mickeal ang kanyang apat na sunod na penalty shots para iselyo ang tagum-pay.

Ngunit malaking papel naman ang ginampanan ni Mickeal at Kenny Evans sa panalong ito matapos humakot ng 25 puntos at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Phone Pals na nakarami ng puntos sa turnovers ng kalaban, 25-10.

Pinunan ni Mickeal ang kahinaan ng kanyang ka-tandem na si Jerald Honeycutt na nagtrabaho sa first half sa paghakot ng 18 sa kanyang tinapos na 22-puntos, sa pagkayod ng 9-puntos sa gitgitang fourth quarter.

Naging kapaki-pakinabang naman si Evans sa ikatlong quarter kung saan umiskor ito ng 10-puntos upang sabayan sina Chris Tan at Clay sa pagpapaulan ng tres para sa Sta. Lucia.

Samantala, bago magsagupa ang Realtors at Phone Pals dakong alas-5:45 ng hapon, mauuna munang magsalpukan ang magkapatid na kumpanyang Coca-Cola Tigers at San Miguel Beer sa kanilang sudden death match para matukoy kung sino ang makakalaban sa semifinals ng defending champion Red Bull. (Ulat ni Carmela Ochoa)

Show comments